FANDOM


Si Mang Estong, magpipitumpung taong gulang na manunulat, ay isang miyembro ng KAPILING o Kamanunulat na Pilipino sa Inglater na mula pagkabata ay mahusay na siyang magsulat at magbigkas pero ngayon, ayon kay Jennifer, editor ng Pinoy’s Courier at isa ring miyembro ng KAPILING, malat na ang tinig ni Mang Estong dahil sa sobrang pag-inom ng alak at may lumalaganap ring balita na pilyo siya sa tsiks at ang mga nabibiktima niya ay pawing mga bata. Nag-aalala ang narrator at ang asawa niya kay Jenny dahil napansin nilang nagkakamabutihan na si Jenny at Mang Estong lalo na noong kukamain sila sa isang restoran at nakatagong nagmamasid ang mag-asawa. Makalipas ang isang buwan, dumating na ang araw ng pagpupulong ng KAPILING at balak na sana ng narrator na kausapin si Mang Estong ukol sa relasyon nila ni Jenny ngunit hindi sila dumating na tunay namang ikinatakot ng narrator. Ibinalita ito ng narrator sa kanyang asawa at nagpasiya silang puntahan si Mang Estong sa kanyang tahanan ngunit sabi ng kapitbahay niya ay isinugod raw ang matanda sa ospital at laking gulat ng mag-asawa nang makita nilang naroon sa ospital si Jenny sa labas ng ICU (Intensive Care Unit), umiiyak nang malamang may kanser sa atay si Mang Estong at may taning na ang kanyang buhay.

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.